ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Gutierrez, Andre Paras are WWF's newest youth ambassadors


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang na ang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Andre Paras sa National Youth Ambassadors ng World Wildlife Fund (WWF) for Nature, isang kilalang international non-government organization para sa pangangalaga ng kalikasan.

Nitong Martes, opisyal nang ipinakilala ang dalawa bilang mga bagong miyembro ng WWF National Youth Council.

 

 

Ayon kay Janine at Andre, isang malaking karangalan ang mapabilang sa nasabing organisasyon, lalo na't naniniwala silang responsibilidad ng bawat Pilipino ang pangalagaan ang kapaligiran.

"Personally, mahilig talaga ako sa beach, sa environment. It's always a priority for me kung paano maalagaan ang Pilipinas, lalo na't sobrang ganda ng natural resources natin, ng tourist spots natin... Bilang Pilipino, responsibilidad nating lahat ng maging part ng iba't ibang conservation efforts," pahayag ni Janine.

Sabi naman ni Andre, "For me, this is a huge organization that is more than having rules like 'Reuse, reduce, recycle' or 'Stop pollution'—it is more like going deeper to know the reason, the causes why we're having problems in our ecosystem."

"I'm proud to be a part of an organization that will help raise awareness that we can all be a part of the movement, that we can help people in need. I'm proud because I get to learn and be a voice for the organization—be a bridge to people and a worthy cause," dagdag pa niya.

Kabilang sa mga unang aktibidad na pangungunahan nina Janine at Andre ang Earth Hour, isang lights-off event na ginugunita taon-taon sa higit 170 na bansa sa buong mundo, at itinuturing na "biggest worldwide event for environmental conservation and awareness."

Magaganap ang Earth Hour 2017 sa darating na Sabado, March 25, sa ganap na 8:30 p.m.

Bukod sa pagpatay ng ilaw at iba pang kagamitang gumagamit ng kuryente, gugunitain rin sa Pilipinas ang nasabing event sa pamamagitan ng Earth Hour Camp, na gaganapin sa MOA Grounds sa nasabing araw.

"It's exciting kasi we get to raise awareness about preserving the environment, energy conservation. Minsan kasi nakakalimutan natin na 'yung mga maliliit na bagay na ginagawa natin, napakalaki na ng impact sa environment. Siyempre, kapag hindi okay ang environment natin, apektado tayong lahat, lalo na 'yung fishermen, mga magsasaka," pahayag ni Janine.

Maliban sa kanilang pakikibahagi sa WWF, patuloy rin ang pagpapasaya nina Janine at Andre araw-araw sa iba't ibang Kapuso shows.

Mapapanood si Janine sa GMA Afternoon Prime series na "Legally Blind" kamasa sina Mikael Daez, Lauren Young, Marc Abaya, at marami pang iba.

Kabilang naman si Andre sa mga bumibida gabi-gabi sa "Encantadia." —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News