ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso stars, nag-share ng tips para ma-achieve ang beach-ready body


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maliban sa sizzling pictures na ibinahagi nila sa social media, ilang seksing Kapuso star nagbigay ng tips kung paano maa-achieve ang beach-ready bodies.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing ngayong summer season, ilang Kapuso stars ang nagpapakita na ng kanilang magandang katawan.

Pero gaya ng iba, maging ang ilang celebrity ay hindi raw exempted sa pagiging conscious sa katawan tuwing dumarating ang summer.

At dahil na rin sa social media kung saan ipino-post ang mga larawan sa pagtatampisaw sa tubig, kailangan daw laging handa.

Tulad ni Lovi Poe na todo sa pagpapawis sa gym at pilates para ma-maintain ang kanyang beach-ready bod.

Si Solenn Heussaff, isang oras daw ang inilalaan sa kaniyang workout.

Ang young star na si Bianca Umali, sinasamahan ng desiplina sa pagkain ang kaniyang pag-ehersisyo.

Importante raw sa mga kabataan ang matutunan ang halaga ng disiplina para ma-achieve ang ninanais na figure.

Payo naman ni "Legally Blind" star Janine Gutierrez,  watch what you eat at "in moderation" lang para laging ready sa mga ganitong beach moments.

Paliwanag ng aktres, nagda-diet lang siya kung kailangan niyang magpapayat para sa pictorial. -- FRJ, GMA News