Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats, kinabahan nang sabihin sa anak na si Nathan ang kaniyang pagbubuntis


Inamin ng Kapuso TV host-actress na si Camille Prats na nakaramdam siya ng kaba nang sasabihin niya sa kanyang unico hijo na si Nathan ang kaniyang pagbubuntis sa anak nila ng mister na si VJ Yambao.

Sa panayam sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, ikinuwento ni Camille, nasa Amerika si VJ nang nalaman niyang buntis siya.

"Nag-isip ako kung sasabihan ko ba siya kaagad or hihintayin ko na makauwi siya. Bilang hindi rin ako makahintay, so I sent him the photo of the pregnancy test. It's actually a surprise blessing but we are happy," ayon sa host ng programang "Mars."

Bagaman isa sa pinaka-excited daw sa kaniyang pagbubuntis ang anak niyang si Nathan, sinabi ni Camille na nakadama siya ng kaba sa magiging reaksyon nito.

"He's my only child for, he's nine-years-old. So kahit alam ko na looking forward siya doon, somehow I didn't know kung ano magiging reaction niya," patuloy ni Camille.

Pero noon pa man daw, nais na raw ni Nathan na magkaroon ng kapatid.

"Si Nathan kasi has been asking for a sibling matagal na. Kasi kinukuwento niya na halos lahat ng classmates niya may kapatid tapos siya daw wala," saad ni Camille.

"Sabi ko sa kanya, Tantan you're going to be a kuya na. Sabi niya, 'what? you're going to have a baby? you have a baby na?' Sabi ko, yeah!,'" dagdag ng Kapuso star.

Si Nathan ay anak ni Camille sa unang asawa na si Anthony Linsangan, napumanaw sa sakit.

Tungkol sa paglilihi, sinabi ni Camille na paiba-iba ang pagkain na hinahanap niya.

"Depende sa mood ko for the day. But I try to eat as much fruits as I can. Siyempre I also have to watch my sugar, mas mindful eating," aniya.

At kahit second baby na ito ni Camille, sinabi niya na nanghihingi pa rin siya ng advice mula sa ibang mga mommies tulad ng kaniyang hipag na si Isabel Oli, na asawa ng kaniyang kapatid na si John Prats.

"Parang sobrang tagal na that I felt to have a baby. So ako talaga nanghihingi ng tips sa sister-in-law ko, kay Isabel, to my other friends," kuwento pa ni Camille.

Nagpapasalamat at natutuwa raw si Camille na suporta ng mga mahal sa buhay at pagtitiyaga ng kaniyang asawa sa pagbili ng mga kinahihiligan niya. -- FRJ, GMA News

Tags: camilleprats
LOADING CONTENT