ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kim Domingo, misis na may pagka-'praning' sa 'D' Originals'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malaki ang pasasalamat ng Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo sa sunod-sunod na proyektong dumarating sa kaniya. Kabilang na dito ang "D' Originals" kung saan kasama niya ang mga batikang aktres na sina LJ Reyes, Katrina Halili at si Ms. Jaclyn Jose.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras," ikinuwento ni Kim kung ano ang role niya sa aabangang bagong Kapuso comedy series.

"Ako po dito si Sophia, isa po akong zumba instructor at asawa ko po dito si Archie Alemanya. May pagka-praning, tamang hinala. Tapos 'yung mga kaibigan ko, sinusulsulan [ko] na hulihin n'yo asawa n'yo, baka may kabit," masaya niyang kuwento.

Hindi rin mawawala ang pagpapa-seksi ni Kim sa "D' Originals" kaya patuloy ang kaniyang pangangalaga sa kaniyang magandang katawan.

Paano nga ba niya na na-achieve ang beach-ready body?

"Importante po yung diet, importante 'yan. Ang pagkain malaking factor. Ako po kasi Tito Lhar, nagmi-meal plan po ako para yung calories po ng kinakain ko, counted na po," paliwanag niya.

"Pangalawa siyempre, workout. Paminsan-minsan, mas ok pa rin na pupunta ka ng gym or kahit mag-threadmill ka lang," dagdag niya.

Kasama rin sa "D' Originals" na mapapanood sa Kapuso Afternoon Prime sina Mark Herras, Jestoni Alarcon at Meg Imprerial.

-- FRJ, GMA News