Kapatid ni Kylie Padilla na si Queenie, nagdadalang-tao rin
Masayang ikinuwento ni Kylie Padilla na halos sabay sila ng kaniyang kapatid na si Queenie na nagdadalang-tao.
Kamakailan lang ay umuwi sa bansa si Quennie kasama ang asawa nito para ipakilala sa kanilang pamilya, sa pangunguna ng ama nilang si Robin Padilla.
LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump
Sa Instagram account ni Robin, makikita ang ilang video sa pagtanggap nila sa mister ni Quennie bilang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.
"Nauna man daw ang kasal mauuwi pa rin sa pamamanhikan," saad sa caption ni Robin sa isang video.
A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on
Halos magkasabay ang pagbubuntis nina Kylie at Queenie na kapwa raw nasa ikalimang buwan na ngayon.
Sa bilang isang pagtitipon kung saan ipinakilala si Kylie bilang isa sa mga bagong endorser ng isang pharmacy at personal care store, sinabi ng Kapuso actress na mas magaan na ang pagbubuntis niya ngayon kumpara noong first trimester na mas madalas daw siyang nagsusuka.
Sa Chika Minute report ni Audrey Carampel sa "24 Oras" nitong Sabado, sinabi ni Kylie na kabilang sa kaniyang mga napaglilihian ay mga pagkaing nakatataba gaya ng pizza at pasta.
Kasama rin ni Kylie bilang mga co-endorser ang Kapuso singer-actor na si Christian Bautista, at "Chika Minute" anchor na si Iya Villania, na nilapitan daw ni Kylie para hingan ng advise tungkol sa motherhood at panganganak.
"Tinanong ko sa kaniya yung, kumusta yung birth story niya, tapos nagkwento siya. Nagkwento ako sa gusto kong... sabi niya kung kaya mo yung sakit, gawin mo," ayon kay Kylie.
Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ni Kylie ang pagiging mommy at nakatakda siyang dumalo sa ilang mga klase ng tamang pag-aalaga ng baby at breastfeeding.
Gayunman, aminado ang aktres na nami-miss niya ang pagtatrabaho lalo na ang kanyang 'Encantadia" family, na lagi raw niyang sinusubaybayan lalo na ang re-incarnation ng role niyang si Amihan.
READ: Arra San Agustin, aminadong may kaba sa pagganap na reincarnation ni 'Amihan'
-- FRJ, GMA News