ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sinon Loresca to meet Indonesian fans this April!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Certified viral sensation na nga ang “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Sinon Loresca, na binansagang “King of the Catwalk” matapos magpakitang-gilas sa pagrampa nang mala-Miss Universe suot ang six-inch heels.

Bukod sa mga kapwa-Pinoy, marami rin ang humanga kay Sinon mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Bilang pasasalamat, lilipad ang TV personality sa Indonesia sa Abril upang makasama ang kaniyang mga tagahanga doon.

Aniya, “I am very humbled and grateful that all my videos are being featured around the universe. Such an amazing and overwhelming love... Pinoy pride!”

 

 

See you my Indonesian fans ?????????????

A post shared by ????????The KING OF CATWALK (@sinonloresca) on

 

Hindi maikakaila na kilala na sa buong mundo ang binansagang “King of the Catwalk” ng Pilipinas, kaya naman labis ang pasasalamat ni Sinon sa mga walang-sawang nagpapadama ng paghanga at pagmamahal sa kaniya.

Kamakailan lamang, ibinahagi niya ang ilan sa mga nakakaantig na mensahe mula sa kaniyang mga tagahanga sa Mauritius at Malaysia.

 

 

My heart MELT Reading this ???? thank you Rozaimie

A post shared by ????????The KING OF CATWALK (@sinonloresca) on

 

Nitong nakaraang buwan, nakatanggap si Sinon ng imbitasyon mula sa Emmy Award-winning American talk show na “The Doctors” matapos umani ng milyun-milyong views ang mga video ng kaniyang pagrampa.

READ: Sinon 'Rogelia' Loresca,  tampok sa iba't ibang int'l news websites dahil sa viral Miss U walk

“Nagpapasalamat po ako for making my video viral worldwide. Sa totoo lang, hindi ko talaga ito na-expect dahil gusto ko lang suportahan ang ating kababayan na lumaban sa Miss Universe—si Maxine Medina. Hindi ko in-expect na magte-trend ang video sa buong mundo,” aniya sa naunang pahayag.

Dagdag pa ng “Eat Bulaga!” Dabarkads, “Thank you for bringing my catwalk to the world—or the universe rather. I love you all. I promise to keep posting funny videos.” —ALG, GMA News