Balang, pinahanga si Ellen DeGeneres sa kaniyang pagbabalik sa TV show nito
Sa ika-apat na pagkakataon, muling pinahanga ng Internet sensation na si Balang ang sikat na American TV host na si Ellen DeGeneres.
Anim na taon lang nang unang maimbitahan sa kaniyang programang "Ellen DeGeneres" show si Balang, o John Phillip Bughaw.
READ: Balang flies to Los Angeles for 4th appearance on ‘Ellen’
"In the two years we've known our next guest, he's gone from being a 6-year-old dancing boy from the Philippines to an 8-year-old international star," saad ni Ellen nang ipakilala si Balang matapos na ipakita ang mga naunang guesting ng Kapuso child star.
Nang mag-usap at magkumustahan na ang dalawa, kaagad na napansin ni Ellen na marunong nang mag-ingles si Balang.
Natuwa rin si Ellen nang ibinalita ni Balang na nakakuha na siya ng lisensiya bilang Zumba instructor, na nauna niyang sinabi sa TV host na gusto niyang gawing paglaki.
Samantala, inalam naman ni Ellen kay Balang kung ginagamit nito ang exercise bike na ibinigay sa kaniya.
Kuwento ni Balang, "Yes. Tapos sabi ko kay mama, 'mama, pumayat na ba ko?' Sabi ni mama, 'no pa. Sige pa patuloy mo pa yan.'
Natawa si Ellen nang sabihin ni Balang na tatlong minuto lang niya kung gamitin ang bike.
Muli rin nagsayaw si Balang sa "Ellen" sa awiting "Shape of You."
-- FRJ, GMA News