advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Voltes V returns on GMA-7: Find out which Kapuso stars will voice iconic series


Muling magbabalik-telebisyon ang iconic Japanese anime TV series na “Voltes V” bilang paggunita sa 40th anniversary ng programa, na unang sumikat noong 1977.

Sa pagkakataong ito, magsisilbing voice artists ng serye ang Kapuso young stars na sina Bea Binene (Jamie Robinson), Derrick Monasterio (Steve Armstong), Jak Roberto (Mark Gordon), Hiro Peralta (Big Bert Armstrong), at Ken Chan (Prince Zardos).

 

 

Voltes V starts on March 27!!!@beabinene @derrickmonasterio @akosikenchan @jakroberto @redrangerhiro

A post shared by tracymgarcia (@tracymgarcia) on

 

“Napanood ko siya kaya kilalang-kilala ko ang theme song, pati ang characters!” ayon kay Bea sa panayam ng “24 Oras” nitong Miyerkules.

Nasasabik na rin sa kanilang bagong project sina Jak at Ken, na parehong tagahanga ng hit Japanese anime TV series, kung saan sumikat ang tagline na “Let's volt in!” at ang mga sandatang “ultraelectromagnetic top,” “chain knuckles,” at “laser sword.”

 

 

Pahayag ni Jak, “Hindi talaga ako makapaniwala na darating ang time na isa ako sa magiging boses ng 'Voltes V.' Noong nagda-dub kami sa audio room, naa-amaze pa rin ako!”

“Sobrang challenge ito kasi 'yung mga ginawa kong teleserye before, lagi akong mabait, laging kawawa,” sabi naman ni Ken.

Mapapanood na ang “Voltes V” sa GMA Network simula sa darating na Lunes, March 27, 8:25 a.m., pagkatapos ng “Ghost Fighter.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT