Super Tekla, emosyonal na nagpasalamat kay Donita Nose
Sa kabilang ng pagbibiro, hindi pa rin napigilan ni Super Tekla ang sarili na maging emosyonal nang pasalamatan ang kaniyang kaibigang si Donita Rose para mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon sa showbiz.
Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," sinabi ni Tekla na si Donita ang sumalba sa kaniyang karera.
"Whatever... anuman ang marating ko, utang ko sa'yo 'yon," saad ni Tekla sa kaniyang co-host sa "Wowowin" na si Donita.
Matatandaan na unang nasilayan at nagpatawa sa "Wowowin" si Tekla nang magiging kalahok sa isang segment nito.
Dahil sa napasaya niya ang mga manonood, nagpasya si Willie Revillame na kunin na siyang regular na co-host ng programa.
Hindi man daw siya "showy," sinabi ni Tekla na batid ni Donita ang labis-labis niyang pasasalamat sa kaibigan.
Umaasa naman si Donita na hindi na sasayangin ni Tekla ang ikalawang pagkakataon, kung anoman ang tinatamasa niya ngayon.
"Ngayon ikaw na ang driver ng sarili mong buhay, nandito lang ako," ayon kay Donita.
-- FRJ, GMA News