ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'MEANT TO BE' FEVER

'Meant To Be' boys, todo-protekta kay Barbie Forteza

 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makikita sa kanilang mall shows kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tao sa mga bida ng "Meant To Be." At ang leading men ng program, todo-protekta naman sa kanilang leading lady na si Barbie Forteza kapag dinumog na sila ng fans.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing damang-dama na ang "Meant To Be" fever dahil sa popularidad ngayon ng naturang Kapuso primetime series.

Saan man kasi magpunta ay dinudumog ng mga tao ang "Meant To Be" boys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner, at ang kanilang leading lady na si Barbie.

Ayon kay Addy, "When we started this teleserye, I never imagined that it's gonna be like this. Now, we have so many people waiting for us for so many hours, so hot and so crowded and they spend so much time there."

Dagdag naman ni Jak, "Hindi po namin alam kung paano sila pasasalamatan pero taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta sa 'Meant To Be."

Sa isang mall show ng grupo, makikita kung paano dinumog ng mga tao sina Barbie at "Meant To Be' boys, na todo-protekta sa kanilang leading lady.

Masayang kuwento ng mga boys, niyayakap na nila Barbie at binubuhat na rin para hindi na ito mahirapan pang maglakad sa dami ng tao.

"Pero masayang-masaya kami na ganu'n 'yung pagtanggap sa amin ng mga tao. Kasi hooked na hooked talaga sila sa 'Meant To Be," ayon kay Barbie. -- FRJ, GMA News

Tags: meanttobe