Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Ika-6 Na Utos,' mapanonood na hanggang sa Sabado


Due to insistent public demand, mapapanood na hanggang Sabado ang hit GMA Afternoon Prime series na "Ika-6 Na Utos," na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion, at Ryza Cenon.

Sa ulat ni Lhat Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing sinunod ng pamunuan ng GMA ang hiling ng mga tagasubaybay sa dagdagan ang araw ng pagpapalabas ng programa dahil nami-miss nila ang serye sa weekend.

Nagpapasalamat si Sunshine sa lahat ng sumusuporta sa programa dahil “history in the making" umano na ipalalabas ang isang serye na mula Lunes hanggang Sabado.

Ayon din kay Gabby, “First time naming marinig na magsa-Sabado ang isang show—tuloy-tuloy na six days.”

Nilinaw din nila na hindi pinapahaba ang kwento ng serye na tungkol sa masalimuot na love story nina Emma [Sunshine], Georgia [Ryza], at Rome [Gabby].

“Baka iniisip nila na pinapahaba lang ang story, but I want to clarify na ang 'Ika-6 Na Utos,' when it started, ang plot talaga nito ay mahaba. Parang pang-pelikula na maraming pasikot-sikot,” paliwanag ni Sunshine.

Samantala, sa nakaraang episode, tila hindi lang sa puso ni Rome mag-aagawan sina Emma at Georgia kung hindi  maging sa wedding gown.

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: ika-6nautos