Will this top Kapuso actress join Jennylyn in 'My Love from the Star'?
Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado para sa nalalapit na pagpapalabas ng GMA primetime series na “My Love From The Star,” ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Jun Ji-hyun.
Bibigyang-buhay ni Jennylyn si Steffi Cheon, isang top star, habang gaganap naman si Gil Cuerva bilang Matteo Do, isang alien.
Kamakailan lamang, may makahulugang post si Jennylyn sa Instagram kasama si Rhian Ramos.
“Magkulutan tayo Rachel... - Steffi,” ang pabirong caption ng aktres sa kaniyang post.
Nagbahagi rin si Rhian ng isa pang bersiyon ng nakakatuwang larawan sa kaniyang sariling Instagram account.
Aniya, “In the salon today, I kept getting this strange feeling that someone was watching me... #TeamBessie”
Mapapanood na ang “My Love From The Star” sa GMA Primetime ngayong 2017. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News