ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado's summer vacation in Korea has a more meaningful reason


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang ibinahagi ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na tuloy-tuloy ang taping niya para sa inaabangang GMA Primetime series na “My Love From The Star,” ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Jun Ji-hyun.

Aniya, nasasabik na siyang maipakita sa mga manonood ang mga eksenang nabuo niya kasama ang leading man na si Gil Cuerva at iba pang mga artista na magbibigay-buhay sa teleserye.

“Medyo nare-relax na kami kasi, at least, mayroon na kaming kalahating pondo. Happy kaming lahat sa resulta,” pagbabahagi niya sa panayam ng “24 Oras” nitong Miyerkules.

Tulad ng marami, naghahanda na rin si Jen para sa nalalapit na summer vacation.

Kuwento niya, lilipad siya papuntang South Korea upang personal na makita ang mga lugar kung saan nag-shoot ang orihinal na “My Love From The Star.”

Bukod pa riyan, susunduin din niya ang kaniyang biological father na si Noli Pineda na ilang taon nang naka-base sa Korea para isama sa Pilipinas.

Napagkasunduan na raw ng mag-ama na sa Pilipinas na maninirahan si Noli, kasama ng buong pamilya ni Jen.

Matatandaang lumaki si Jennylyn sa kaniyang tito at tita na sina Roger at Lydia Mercado.

Matapos pumanaw ang kinikilalang ama ng aktres noong 2008, sumakabilang-buhay na rin ang kaniyang ina na si Mommy Lydia sa edad na 74 nitong Oktubre ng nakaraang taon.  -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News