Heart Evangelista, naghahanda nang lumipad bilang si 'Alwina'
Excited na si Heart Evangelista sa paglipad bilang si Alwina sa inaabangang Kapuso telefantasyang "Mulawin Versus Ravena."
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing todo-ensayo at nakatutok si Heart sa kanyang harness training.
Mahalagang bahagi ito ng paghahanda ng aktres sa gagawing action series dahil sa kanyang flight sequences bilang si Alwina, ang dating sugo ng mga Mulawin
Kakaibang experience daw ito para kay Heart, lalo pa't in full costume siya bilang isang Mulawin.
Ayon sa aktres, ipaliliwanag sa kwento kung ano ang nangyari kay Alwina, na mahalaga umano para sa future ng mga Mulawin at mga Ravena.
Bukod sa "Mulawin Versus Ravena," abala na rin si Heart sa taping ng kanyang bagong reality show na "Follow Your Heart, kung saan ipakikita nila ang iba't-ibang klase ng pamumuhay ng mga tao sa iba't-ibang lugar sa bansa. -- FRJ, GMA News