ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Zoren Legaspi, Ian de Leon join 'Encantadia'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa harap ng pagkawala ng ilang karakter sa “Encantadia” nitong mga nakaraang linggo, patuloy naman ang pagpapakilala ng mga bagong karakter na magbibigay-kulay pa sa kuwento ng hit Kapuso telefantasya gabi-gabi.

Nitong Lunes, ipinakilala ang batikang aktor na si Ian de Leon bilang si Bathalumang Keros.

Paglalarawan sa kaniya, “Siya ang Bathala ng Pagkawasak. Walang kakayahan si Keros na lumikha. Ang tanging nagagawa niya lamang ay sumira.”

Gagamitin din nina Arde at Ether si Keros laban kay Bathalumang Emre, ang kinikilala sa Encantadia bilang isang mabuting Bathala.

 

A post shared by Encantadia 2016 (@gmaencantadia) on

 

Matapos ipakilala si Keros, ipinakita rin ang naging laban nila ni Emre noong unang panahon.

Natalo sa nasabing pagtutunggali si Bathalumang Emre, na bibigyang-buhay naman ni Zoren Legaspi.

 

A post shared by Encantadia 2016 (@gmaencantadia) on

 

Panoorin ang sinubaybayang pagpapakilala sa mga Bathaluma ng “Encantadia” nitong Lunes:


Encantadia: Bathalumang Keros | Episode 186 by encantadia2016

 

Click here for more of 'Encantadia' exclusive videos:

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News