Benjamin, nais na maipakilala si Julie Anne sa kaniyang pamilya na nasa Guam
"Growing strong together" ang paglalarawan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves sa relasyon nila ng kaniyang "Pinulot Ka Lang Sa Lupa" co-star at Asia's Pop Sweetheart na si Julie Ann San Jose.
Masaya raw sila sa natatanggap na suporta sa kanilang relasyon— sa telebisyon man o sa tunay na buhay.
Ayon kay Ben sa panayam nitong Huwebes, "Wherever this journey takes us, we make sure to share to everyone who supports it. Sinabi naman namin from the beginning na hindi namin itatago—there is no reason to. It brings us happiness to share our happiness."
Ngayong darating na Holy Week at panahon na tag-init, kani-kaniyang plano raw muna sila kasama ang kani-kanilang pamilya. Ngunit maglalaan daw sila ng oras para sa isa't isa upang makapag-bonding.
Sakaling mapag-desisyonan nilang lumipad papuntang ibang bansa, nais ni Ben na sa Guam ang maging unang out-of-country destination nila.
Sa Guam lumaki ang aktor, at dito rin nakatira ngayon ang kaniyang pamilya.
"Kung lilipad man kami out of the country, siguro ang pinakamagandang puntahan muna ay Guam to see my family. It just seems right na sila muna ang puntahan namin," aniya.
Kung hindi man ngayong summer, nais daw ni Ben na pormal nang maipakilala si Julie sa kaniyang pamilya bago matapos ang taon.
BASAHIN: Julie Anne San Jose on Benjamin Alves: 'Siya first na pinakilala ko sa parents'
Mapapanood sina Ben at Julie araw-araw sa GMA Afternoon Prime series na "Pinulot Ka Lang Sa Lupa," kasama sina Martin del Rosario, Ara Mina, Victor Neri, Lharvy Policarpio, Geline Eugenio, Allan Paule, at Janna Dominguez. -- FRJ, GMA News