Ilang Kapuso kids, tumanggap ng diploma at awards ngayong school year
Busy man sa kani-kanilang showbiz career, hindi pa rin pinapabayaan ng ilang batang Kapuso star ang kanilang pag-aaral. Sa pagtatapos ngayon ng pasukan, ilan sa kanila ang tumanggap ng diploma at awards.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing ready for elementary school na si Yuan "Pao-Pao" Francisco ng "Encantadia," na graduate na sa kinder two.
Very proud din ang cute child actor sa nakuha niyang medals at certificate.
Ang gumanap na batang Sang'gre Alena na si Althea Ablan, elementary graduate na, at kinilala sa kanilang paaralan bilang responsible student.
Ang soon-to-be tween na si Elijah Alejo, nagtapos na ng grade school at tumanggap ng mga medalya.
Junior high school-bound na rin ang isa sa cast members ng "Pinulot Ka Lang Sa Lupa" na si Marc Justin Alvarez.
Ang naka-home school at isa sa stars ng "Meant To Be" na si Zymic Jaranilla, nakapagtapos din ng grade six. -- FRJ, GMA News