Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

'Eat Bulaga' dabarkads nagkuwento tungkol sa kanilang Lenten Special episode


Simula sa darating na Lunes, mapapanood sa "Eat Bulaga" ang anim na Lenten Special episodes na pagbibidahan ng mga dabarkads at mga special guest tulad ni Lorna Tolentino.

Nitong Sabado, nagbahagi ang mga "EB" host ng ilang detalye sa mga madamdaming episode na kanilang kabibilangan, at tiyak na kapupulutan ng aral.

Mapapanood sa Lunes, April 10 ang "Inay," na pangungunahan nina Paolo Ballesteros at Ai-Ai delas Alas, na idinerek ni Jose Javier Reyes. Kasama sina Allan K at Sinon Loresca.

Gayundin ang episode na "Kapatid," na kabibilangan nina Alden Richards, Ryan Agoncillo, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, at Jerald Napoles, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Ang episode na "Pagpapatawad," na pangungunahan ni Miss Lorna Tolentino ang mapapanood sa Martes, April 11, sa direksyon ni Miss Gina Alajar.  Kasama rito ni L.T. sina Kenneth Medrano, Taki, Patricia Tumulak at Bae-by Baste.

Pangungunahan naman ni Maine Mendoza ang episode na "Prinsesa," na kabibilangan din nina Ryzza Mae Dizon, Anjo Yllana, Tommy Penaflor, Joel Palencia at Wally Bayola.

Sa Miyerkules naman mapapanood ang episode na "Mansyon," na kabibilangan nina Sen. Tito Sotto, Jose Manalo, Kim Last, Miggy Tolentino, Jon Timmons, at sina Jake Ejercito at Barbie Forteza, sa direksyon ni Linnet Zurbano.

Sinabi  Vic Sotto at Joey de Leon naman ang mangunguna sa episode na "Kaibigan," na pinamahalaan ni Joel Lamangan. Kasama rito sina Bianca Umali at Kim Rodriguez.


 

-- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT