ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang destinasyon ng ilang Kapuso stars ngayong Holy Week break


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bonding sa pamilya, makapag-relax at makapagnilay ang planong gawin ng ilang Kapuso stars ngayong timeout muna sila sa trabaho sa Semana Santa.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, ibinahagi ng Kapuso ace comedian na si Michael V, na sa Hawaii ang punta nilang pamilya ngayong holy week.

Biyaheng Boracay naman ang King of Catwalk na si Sinon Loresca, hindi lang para rumampa kung hindi para rin magnilay-nilay.

Pangako niya, magiging behave siya sa Boracay.

Sa Summer Capital of the Philippines sa Baguio naman ang punta  ni Ken Chan para dumalo sa kanilang family reunion.

Kabilang daw sa laging inaabangan ni Ken sa naturang pagtitipon-tipon nilang magkakaanak ay ang masarap na kakanin na niluluto ng kanilang lola.

Ang "Encantadia" stars at magkaibigang sina Mikee Quintos at Ruru Madrid, magpo-foodtrip at i-e-experience naman ang cherry blossom sa Japan. -- FRJ, GMA News