ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Jennylyn reunites with biological dad in South Korea


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagba-bakasyon ngayon ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa South Korea kasabay ng Holy Week break.

Maliban sa pamamasyal, nagkaroon rin ng pagkakataon ang Kapuso host-actress na muling makasama ang kaniyang biological father na si Noli Pineda, na kasalukuyang naka-base sa nasabing bansa.

Sa isang social media post kamakailan, makikita ang reunion ng mag-ama, kasama ang Kapuso actor at “Mulawin vs. Ravena” star na si Dennis Trillo.

Sa official Facebook page ni Jennylyn, tanging heart emojis lamang ang kaakibat ng post tungkol sa nasabing reunion.

 

 

Ayon kay Jennylyn sa naunang panayam, susunduin na niya ang kaniyang biological father na ilang taon nang naka-base sa Korea upang isama pauwi sa Pilipinas. 

Napagkasunduan na raw ng mag-ama na sa Pilipinas na maninirahan si Noli, kasama ng buong pamilya ni Jen.

Lumaki si Jennylyn sa kaniyang tito at tita na sina Roger at Lydia Mercado.

Matapos mamaalam ang kinikilalang ama ng aktres noong 2008, pumanaw na rin si Mommy Lydia sa edad na 74 nitong Oktubre ng nakaraang taon. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News