ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Barbie Forteza, inamin ang kaniyang 'weakness' dahil sa regalo ni Ken Chan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinilig ang mga tagahanga ng KenBie loveteam nang ibahagi ng "Meant To Be" star na si Barbie Forteza ang espesyal na regalong ibinigay sa kaniya ni Ken Chan, isa sa kaniyang leading men sa serye at matalik na kaibigan rin sa tunay na buhay.

Nitong nakaraang linggo, nag-post si Barbie ng isang selfie kasama ang bouquet ng red roses mula kay Ken.

Aniya, "'Di mo naman ako in-inform sa pa-roses mo! Weakness ko pa naman 'to! Thank you!"

Sagot naman ni Ken, "Because you're important to me."

Umani na ito ng halos 26,000 likes ang naturang post, at hiling nga ng marami, maging reel-to-real na ang tambalan ng dalawa.

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


Mapapanood sina Ken at Barbie bilang Yuan at Billie gabi-gabi sa GMA Primetime series na “Meant To Be,” kasama sina Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj, Mika Dela Cruz, at marami pang iba. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News