LOOK: ‘Kalyeserye Live’ concert ng AlDub sa N.Y., nagpakilig at nagpasaya
Gaya ng kanilang pagtatanghal sa Los Angeles, USA, naghandog din ng isang libo’t isang tuwa sa New York ang “Eat Bulaga” dabarkads sa pangunguna nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang “Kalyeserye Live” concert.
Kasama ang exclusive media sponsor na GMA Pinoy TV, dinagsa ng mga Kapuso, dabarkads at AlDub Nation ang King's Theatre nitong April 12, na pinagdausan ng live concert.
— Eat Bulaga (@EatBulaga) April 13, 2017
Mayroon pang mga nanood na nagmula sa ibang lugar at dumayo sa NY para makisaya kina Alden, Maine, at sa mga lola na sina Nidora, Tidora at Tinidora, na ginagampanan nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo.
Pero bukod kina Alden, Yaya Dub (Maine), at mga lola, muli ring nasilayan ng Team Abroad sa NY, ang dating kontrabida ng kalyerserye na si Duhrizz.
Sa kaniyang Twitter post, nagpaabot ng pasasalamat si Maine sa lahat nang sumuporta sa kanilang pagtatanghal at umaasa siyang napasaya nila ang mga kababayan sa Amerika.
We made it! Congratulations Team KS! Salamat sa mga dabarkads natin sa LA at NY! Sana'y nagustuhan niyo ang aming munting palabas! ????
— Maine Mendoza (@mainedcm) April 13, 2017
Samantala, pinuri naman ng isang empleyado ng King’s Theatre ang mga nanood sa “Kalyeserye Live” concert dahil sa pagiging desiplinado umano ng mga Pinoy.
Kings Theater's employee commented about the AlDub fans.
— ALDUB|MAIDEN MD USA (@maiden16_MD) April 12, 2017
Good job guys!#KalyeSeryeSaNewYork
@gmanetwork @gmapinoytv @MaineAlden16 pic.twitter.com/WOQZ4HHse6
OMG Duhrizz approaches my son Dr. Jason. After this bukambibig na sya ni Wally ????@aldenrichards02 @mainedcm #KalyeSeryeSaNewYork pic.twitter.com/UEkOlVKv6d
— TOA-ScarForMC&KSsaNY (@TOA_ScarForMC) April 13, 2017
Ready na kami for you bibis and JoWaPao!!
— MAINEnatics Canada (@MAINEnatics_CAN) April 12, 2017
let's do this!!????#KalyeSeryeSaNewYork#ALDUB91stWeeksary pic.twitter.com/vxb0iHzU95
Happiness #ALDUBxDTBYSecrets #DTBYPaghaharap #KalyeseryeSaNewYork #KalyeseryeSaUS pic.twitter.com/uhMLPdLC0c
— Jing jing (@jbcarandang) April 11, 2017
-- FRJ, GMA News