ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Camille Prats and VJ Yambao reveal gender of upcoming baby


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Nagkaroon ng isang masayang Gender Reveal party ang Kapuso host-actress na si Camille Prats at ang kaniyang asawang si VJ Yambao kasama ang kanilang pamilya kamakailan lamang upang ibahagi ang magiging kasarian ng kanilang unang anak.

Bago ang “moment of truth,” nagkaroon pa ng botohan ang buong pamilya sa pagitan ng Team Boy at Team Girl.

 

 

Sa huli, ipinaalam rin ng mag-asawa na babae ang kanilang magiging anak.

“Can't wait to meet you, our baby girl!” ayon kay Camille sa dulo ng video.

Ikinasal sina Camille at VJ sa Batangas noong January 7, 2017, at opisyal naman nilang inanunsyo ang pagbubuntis ng aktres matapos ang isang buwan. 

Pareho nang may anak sina Camille at VJ mula sa dati nilang mga relasyon: si Nathan, ang anak ni Camille at ng kaniyang yumaong asawang si Anthony Linsangan, at si Ice, ang unico hijo ni VJ. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News