Find out how Kylie Padilla's pet cat gave the mom-to-be her 'first taste of being a parent'
Tulad ng maraming first-time moms, pinaghahandaan na rin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang pagdating ng panganay na anak nila ng kaniyang fiancé na si Aljur Abrenica.
Bukod sa prenatal classes, hindi inaasahan ng mom-to-be na may parenting lesson din na maibibigay sa kaniya si 'Putot,' ang kaniyang alagang pusa.
LOOK: Kylie Padilla shares sonogram, pens poem for her baby boy
Kuwento niya, "I had a first taste of being a parent a few days ago because Putot, my second cat who used to be a stray, started wanting to go out and go back into the wild. He's a man now and he's got to find a girl!"
Hindi raw agad hinayaan ni Kylie si Putot na lumabas na mag-isa dahil sa takot na mapahamak ito.
Pagpapatuloy ng aktres, "I was uneasy with the idea of letting him go out at night. He might get sick... On the second night, we let him go out, I waited for him until 5:00 a.m. I was so worried!"
A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on
Dahil sa karanasang ito, tila nakita raw ni Kylie ang kaniyang hinaharap bilang isang magulang.
Sandaling namamahinga si Kylie sa showbiz para matutukan ang pagbubuntis niya.
Matatandaang na-engage ang dalawa noong Nobyembre nang magbakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila magdesisyong magsama na. -- FRJ, GMA News