Kylie Padilla reveals the 'Encantadia' friend she misses most
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang mamaalam ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa GMA Primetime series na “Encantadia,” kung saan siya gumaganap bilang Sang'gre Amihan, upang mapagtuunan ng pansin ang kaniyang pagbubuntis.
Tulad ng kaniyang mga kasamahan sa programa, aminado rin si Kylie na nami-miss na niya ang pagiging bahagi ng telefantasya.
Sa kaniyang YouTube Q&A video kamakailan lamang, ibinahagi ng aktres kung sino ang kaniyang pinakanami-miss sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa programa.
"I think I miss everybody, of course, but the one person that I miss the most would probably be Direk (Mark Reyes),” aniya.
Pagbabahagi pa ni Kylie, “He's really open to listening to your ideas as an artist... I like that banter before working."
Sakaling mabigyan ulit siya ng pagkakataon, hindi raw magdadalawang-isip si Kylie na muling bigyang-buhay si Sang'gre Amihan.
Ayon sa Kapuso actress, “It's like asking Johnny Depp if he would like to play Captain Jack Sparrow again—I would always say 'yes' to playing Amihan."
Bago matapos ang kaniyang video, nagpasalamat din ang aktres sa kaniyang mga tagahanga na patuloy ang pagpapakita ng kanilang suporta at pagmamahal sa kaniya.
“You know how much love I have for you, guys. Thank you so much for not forgetting me even though I've been gone for awhile. I just wanna say thank you. I never expected so much love from you, guys,” aniya.
LOOK: Kylie Padilla reunites with 'Encantadia' family
Sandaling namamahinga si Kylie mula sa showbiz upang matutukan ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ng kasintahang si Aljur Abrenica. -- FRJ, GMA News