ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sinon Loresca sa hinalang gumagamit siya ng steroids: 'Mamatay man po, hindi'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa siksik at magandang pangangatawan ni Sinon Loresca, may mga naghihinala na gumagamit siya ng steroids para lumabas ang bukol-bukol niyang muscle.

Pero sa panayam ni Rhea Santos sa programang "Tunay Na Buhay," iginiit ni Sinon na hindi siya gumagamit ng steroids dahil makasasama ito sa nag-iisa na lamang niyang kidney.

“Ay, mamatay man po hindi," ani Sinon. "Ako gusto ko [pero] isa lang kasi ang kidney ko. Toxic sa katawan iyon."

Ang ginagawa umano niya ay pag-inom ng protein shake na nagsisilbing pagkain ng kaniyang muscle.

Matatandaan na idinonate ni Sinon ang isa niyang kidney sa kaniyang kapatid na babae.

FIND OUT: Bakit isa na lang ang kidney ni Sinon 'Rogelia' Loresca?

Tinanong din ni Rhea kung sino ang celebrity crush na babae ni Sinon.

Natawa ang "catwalk king" sa tanong para daw siyang sinabihan na," Sinon!, uminon ka ng muriatic acid ngayon!"

Gayunman, sinabi ni Sinon na ang kapwa "Eat Bulaga" dabarkads na si Maine Mendoza ang kaniyang lady crush.

“Si Maine kasi ang mukha niya pangmasa. Habang tumatagal, mamahalin mo siya dahil sa ugali niya. Sa mukha niya, hindi yung nakakaumay," paliwanag niya.

Hindi rin daw niya maintindihan pero napakagaang daw ng loob niya kay Maine.

Panoorin ang bahagi ng episode ng "Tunay Na Buhay:"

 

-- FRJ, GMA News