Christian Bautista, nag-shoot ng MTV para sa theme song ng ASEAN Summit 2017
Nag-shoot na ang Kapuso star na si Christian Bautista ng music video para sa theme song ng Asean Summit na gaganapin sa bansa ngayong taon.
Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing kasama ng Asia's Romantic Balladeer sa pagkanta ng official championship theme song na "Asean Spirit" ang mga batang mang-aawit ng "Hail Mary The Queen Children's Choir."
Ang National Artist for Literature na si Virgilio Almario ang ang sumulat ng kanta at nilapatan naman ng musika ni Josefino Toledo.
Samantala, ang young filmmaker na si Joaquin Valdez naman ang nag-direk ng video.
Kuwento ni Christian tungkol sa mensahe ng awit, "It is trying to convey kung ano sana dapat ang ma-feel natin as a country, and kung ano sana yung ma-feel ng other countries working together for our goals." -- FRJ, GMA News