Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mikael Daez talks about his new comedy show 'Alex and Amie'


Kasabay ng kaniyang pagbida sa GMA Afternoon Prime series na "Legally Blind," naghahanda na rin ngayon ang Kapuso actor na si Mikael Daez sa muli niyang pagsabak sa comedy.

Nakatakdang bumida si Mikael sa upcoming Kapuso comedy show na "Alex and Amie," at makakasama niya rito sina Dominic Roco at Max Collins.

Kuwento niya sa isang panayam nitong Huwebes, "Napakasaya ng taping. It's a comedy... and talagang nag-enjoy lang kami. Na-miss ko ang 'Ismol Family,' so I guess 'Alex and Amie' is an outlet for me to show that side of myself again."

Ayon kay Mikael, mapapanood sa programa kung paano mabubuo ang pagtitinginan ng kaniyang karakter na isang guro, at karakter na bibigyang-buhay ni Max, na isa namang school nurse.

 

Last day as Nurse Bing #AlexandAime

A post shared by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

 

Ang twist? May isa pang kakaibang karakter ang magiging bahagi ng kuwento.

"Isa akong guro doon, at mina-manage akong 'outcast class.' Kung may section na matalino, ang hawak ko ay 'yung section na pasaway. Max Collins is the school nurse, and magkakaroon kami ng awkward and weird love interest. It's awkward because it's a comedy tungkol sa kung paano nabuo ang relationship namin," ayon kay Mikael.

Dugtong niya, "But si Amie is not Max, but is an imaginary friend. Maraming makaka-relate dahil ang kuwento niya, paano ba nakakatulong 'yung imaginary friend ko sa mga problema ko as a grown up. Comedy pero may life lessons."

Ayon sa Kapuso heartthrob, wala pang tiyak na petsa kung kailan ito ipalalabas pero inaasahang ipalalabas ito ngayong 2017.

 

 

Napapanood ngayon si Mikael sa sa GMA Afternoon Prime series na “Legally Blind,” at kabilang sa mga kasama niya sa serye sina Janine Gutierrez, Lauren Young, at Marc Abaya.-- FRJ, GMA News