ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Archie Alemania, nabansagang 'Jack' dahil sa 'D' Originals'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa karakter sa "D Originals" bilang si Art, na pinag-aagawan nina Kim Domingo at Meg Imperial, may bagong bansag na raw kay Archie Alemania bilang si "Jack."

Sa naturang bagong sexy-comedy series ng GMA, asawa ni Archie si Sofia [Kim], at patay na patay pa sa kaniya si Alice [Meg].

"Ako raw si Jack, hindi 'Jack and the Beanstalk' kundi ako raw si 'Jackpot,' naka-jackpot daw ako sa dalawang naggandahang babae," ayon kay Archie.

Saad pa ng aktor, "Kahit kapwa ko mga artista they're congratulating me on this new show."

Mas titindi pa raw ang mga eksena sa mga karakter nina Meg at Kim dahil unti-unti na silang magsasalpukan para pag-aagawan si Archie.

-- FRJ, GMA News