ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Gabby, inawit ang favorite song sa 'carpool session' kasama si Regine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakipagkuwentuhan ang batikang aktor at “Ika-6 Na Utos” star na si Gabby Concepcion kay Asia's Songbird Regine Velasquez sa masayang carpool session ng Kapuso comedy musical show na “Full House Tonight.”

Inamin ni Regine na fan siya ni Gabby, at binati nito ang aktor sa tagumpay ng kinabibilangang serye na "Ika-6 Na Utos" na anim na araw sa isang linggo napapanood.

Pero giit ni Gabby, sa totoong buhay ay hindi pa niya nararanasan na magkaroon ng kerida.

"Sa tunay na buhay, bawal 'yan," anang aktor.

Pero bukod sa pagbabahagi ng kaniyang mga karanasan sa buhay at trabaho, pinagbigyan din ni Gabby ang request ni Regine na awitin nito ang paboritong kanta na, “Come What May.”

Silipin ang impromptu duet ng dalawa sa “Full House Tonight” carpool nitong Sabado:


-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News