ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paano mapasagot ang babaeng matagal mo nang nililigawan? Pakinggan ang tip ni Alden


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Ginagawa mo ba ang lahat para sa nililigawan mo ngunit hindi ka pa rin sinasagot?

May payo sa iyo ang "Destined To Be Yours" star na si Alden Richards sa #AskBenjie feature ng GMANetwork.com.

Ayon sa Pambansang Bae, "Be patient. Perseverance is the name of the game."

Imbes na mainip, ipagpatuloy lamang daw ang paglalaan ng oras at effort para sa nililigawan.

"Kasi baka kulang pa. Minsan, akala natin binibigay na natin lahat, pero hindi pa sapat," paliwanag ng aktor.

Dagdag pa niya, "Baka mayroon pa siyang hinahanap sa'yo na hinihintay niyang makita."

Bukod sa araw-araw niyang pagpapasaya sa “Eat Bulaga,” mapapanood rin si Alden gabi-gabi sa GMA Primetime series na “Destined To Be Yours,” ang kauna-unahang teleserye nila ni Maine Mendoza.

Kasama rin sa mga bida ng serye sina Juancho Trivino, Koreen Medina Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Janice de Belen, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, at Dominic Roco. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News