ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang 'secret to 13 years of togetherness' nina Iya Villania at Drew Arellano


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Martes, masayang ipinagdiriwang ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang ika-13 taon ng kanilang pagsasama mula sa pagiging magkasintahan.

Kabilang sila sa mga itinuturing ng marami na #RelationshipGoals, lalo na nang maging hands-on parents sila sa kanilang panganay na anak na si Antonio Primo, na isinilang noong nakaraang taon.

Ano nga ba ang sikreto sa matibay nilang samahan na umabot na ng higit sa isang dekada?

Ayon kay Drew, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kanilang pagiging "playful."

"It's still a playful kind of thing—parang 'What, we're married? We live in the same house?," kuwento niya sa isang panayam nitong Martes.

Kahit marami nang nagbago sa kanilang relasyon— tulad nang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak— tila hindi raw nagbabago ang turingan at pakikitungo nila sa isa't isa.

Paliwanag ng Kapuso host-actor, "This is our 13th anniversary. Back in the day, sobrang weird ng relationship, sobrang immature. Then it progressed, it evolved, and now we're married at may anak na kami."

"Yes, maraming changes, but at the same time, parang hindi totoo because we're still that high school sweethearts," dagdag pa niya.

 

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

 

Sampung taong nagsama bilang magkasintahan sina Iya at Drew bago sila ikinasal noong February 2014.

At noong August 2016, isinilang na ang prinsipe ng kanilang tahanan na si Baby Primo. -- FRJ, GMA News