Alamin ang reaksyon ni Ryza Cenon tungkol sa 'indecent proposals'
Isa sa mga may pinakamagandang mukha at katawan ngayon sa showbiz ang "Ika-6 Na Utos" star na si Ryza Cenon. At dahil minsan na rin siyang nagpa-sexy sa cover ng isang men's magazine, nakatanggap na rin kaya siya ng mga "indecent proposal"?
Sa nakaraang episode ng programang "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos, ipinaliwanag ni Ryza na kailangang pagdaanan ng isang aktres ang pagpapa-sexy.
"Kailangan din pagdaanan din kasi sa career mo," aniya. "Pero hindi naman ibig sabihin nu'n na all the time mo siya gagawin, kumbaga limited lang."
At nang tanungin na nakatanggap na ba siya ng indecent proposals, sagot ni Ryza, "Hindi kasi ako yung ganung klaseng tao. Saka hindi kaya ng konsensya ko na gawin ko 'yon sa sarili ko."
Patuloy pa ng aktres, "Inalagaan ko yung sarili ko na mag-isa tapos nang dahil lang dun sisirain ko... nang dahil sa pera lang. Parang iisipin ko,''yon ba yung worth ko lang?'
Panoorin ang naturang bahagi ng panayam ni Rhea kay Ryza:
-- FRJ, GMA News