ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Baste Duterte at Ellen Adarna, #ExGoals ayon sa mga netizen
Hindi na ba kayo nagpapansinan ng ex mo? Kadalasan, hindi na nga nagiging magkaibigang muli ang magkasintahang naghiwalay na.
Ngunit iba ang kuwento ng presidential son Baste Duterte at ang aktres na si Ellen Adarna. Ayon sa Star Bites ng Unang Balita, marami ang humahanga sa dalawa dahil nanatili silang matalik na magkaibigan matapos ang kanilang breakup.
Itinuturing nga raw na #exgoals ang dalawa.
Naging usap-usapan ang relasyon nina Baste at Ellen nitong nakaraang taon at naging trending topic din ang kanilang paghihiwalay nitong Enero. — Jamil Santos / AT, GMA News
Tags: basteduterte, ellenadarna
More Videos
Most Popular