ADVERTISEMENT
Showbiz
BRAND TALK

Ano ang kilig style moves ng Kapuso cuties?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Paano ka mapapansin ng crush mo? Kung mapansin ka niya, ano ang gagawin mo para magustuhan ka rin niya? Para sa ilang mga Kapuso boys, mahalaga maging sweet at totoo sa sarili. Alamin ang kanilang mga style at moves para makuha ang puso ng kanilang crush:

 

Maglaan ng tamang oras at effort para sa crush
Payo ng Kapuso star na si Lucho Ayala, kapag may pinopormahang crush, “kailangan confident ka sa sarili mo.” Bukod doon, dapat din daw magbigay ng tamang oras at effort para sa crush. Paliwanag ni Lucho na mahalaga ito para maparamdam mo sa kanya na special siya. Kinuwento rin niya ang pag-like sa mga social media photos ng crush niya para mapansin siya.

 

Be a gentleman and be yourself
Hindi lang regalo ang puwedeng magpakilig sa inyong mga crush. Ang advice ni Prince Villanueva, “Be yourself lang, ‘wag kakabahan. Yung parang kaibigan lang.” Mahalaga rin sa kanya ang pagiging gentleman, kahit sa simpleng paraan lang para sa kanyang crush.

 

Kilalanin ang family at friends ng iyong crush
Iba naman ang style ni James Teng. Ayon sa kanya, “Kapag gusto ko talaga yung babae, I try to reach out to her family and friends. Big help kasi kung nagustuhan ka ng parents at friends nung taong gusto mo.” Mahilig din magbigay si James ng mga surprise notes para sa kanyang crush.

 

Magbigay ng personalised gifts o love letters
Gusto naman ni Hiro Peralta ang old-school style na pagpapakilig sa kanyang crush. “Mahilig akong magregalo sa kaniya, like photos namin together o kaya love letters.” Sa ganitong paraan daw naipapakita ni Hiro sa crush niya na may gusto siya rito.

Isa rin sa mga moves na ginagawa ng mga Kapuso boys ay ang pagiging swabe sa paghatid ng kilig sa kanilang mga crush: ang makipagkuwentuhan sa kanila. Gawin itong mas espesyal at samahan ang kuwentuhan ng ice cream, katulad ng pinakabagong Selecta Cornetto Rocky Road.

 

Kahit ano mang moves ang baon, ang mahalaga ay galing sa puso ang lahat ng gagawin mo.  Para sa iyong crush, ang pagiging sincere ang tunay na nakakakilig!

Brand Talk partners with the advertisers of GMA Network to create content valuable to its audience.