Matapos ang halos isang buwang katahimikan, muling nag-post si Maine Mendoza sa kaniyang Instagram account, kung saan kitang-kita ang maningning na ngiti ng aktres.

"Life is short. Smile often," caption ni Maine sa kaniyang post.

 

 

Life is short. Smile often. ????

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

Nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Maine kasama ang kaniyang pamilya.

Nagpost pa ang aktres ng kanilang trip sa Universal's Islands of Adventure sa Orlando, Florida sa kaniyang IG story.

Noong Nobyembre, nagsulat si Maine ng open letter sa kaniyang mga fans, kung saan nakatanggap siya ng mga pamumuna.

Dahil dito, ilang linggong hindi napanood si Maine sa Eat Bulaga.

Ngunit nilinaw ni Bossing Vic Sotto ang mga espekulasyon na nasuspinde si Maine, kundi nagbabakasyon lamang. —Jamil Santos/JST, GMA News