ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
ALAMIN

Anong gagawin nina Yasmien Kurdi, Mike Tan and Martin del Rosario kung malamang may HIV ang asawa nila?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil tatalakay tungkol sa HIV ang bagong GMA "adbokaserye" na "Hindi Ko Kayang Iwan Ka," iba-iba ang naging sagot ng main cast na sina Yasmien Kurdi, Mike Tan at Martin del Rosario sa tanong kung ano ang mararamdaman nila sakaling magkaroon ng HIV ang kani-kanilang mga partner sa buhay.

 

 

"Para sa akin, kung asawa mo 'yun, till death do us part. In sickness or in health. So kailangan talaga, bilang asawa mo siya, hindi mo siya iiwan dahil lang nagkasakit siya. So kahit anong sakit niya, sasamahan ko siya," sagot ni Yasmien.

"Kung galing sa ibang tao ['yung HIV], one is ifo-forgive ko pa rin siya," dagdag ng aktres.

Humarap sina Yasmien, Mike at Martin sa blog conference ng programa na ginanap sa GMA Network nitong Miyerkoles.

Hindi naman itinanggi ni Mike na magagalit siya sakaling malamang may HIV ang kaniyang asawa.

"Well, hindi ako magpapakamartir. Mangyayari siyempre kung ano 'yung nangyari kay Marco. Magagalit siya, malilito siya. Siyempre sino 'yung nanghawa? Magagalit, malilito. Hindi mo alam kung ano 'yung gagawin. Kung ano man 'yung mangyari, kinasal kayo, kailangan niyong mag-stay together para pagtulungan 'yung problemang dumarating or dumating na."

Ayon pa kay Mike, mahihirapan siyang mapatawad ang kaniyang misis, pero pipiliin pa rin niyang manatili.

"Hindi ko masasabi na, tulad ng sinabi ni Yasmien, darating 'yung panahon na mapapatawad ko na siya. Puwedeng hindi ko siya mapatawad, pero andu'n ako bilang asawa niya. Hindi ako aalis sa tabi niya. And hopefully, by the grace of God, mapatawad ko siya."

Galit din daw ang mararamdaman ni Martin.

"Ako sobrang, 'pag galing sa iba, magagalit din ako sobra and parang feeling ko baka matagal na panahon bago ko mapatawad. Pero para sa mga anak namin, alang-alang sa mga anak namin... gagampanan ko pa rin 'yung responsibilidad ko bilang asawa't anak alang-alang pa rin sa mga anak ko," sabi ni Martin.

Paghahanda para sa show

Sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, gagampanan ni Yasmien ang karakter ni Thea Balagtas, isang dalaga mula sa probinsiya na nakapasa bilang public accountant, ngunit magiging masalimuot ang buhay dahil kay Lawrence De Leon, ang kaniyang best friend. Gagampanan ni Martin si Lawrence.

Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan, mahuhulog si Marco Angeles, gagampanan ni Mike, kay Thea. Pero magkakaproblema sa kanilang buhay mag-asawa kapag nadiskubreng nilang may sakit na HIV si Thea.

Natutuwa si Yasmien sa ginawang seminar ng production para mapag-aralan ng cast ang HIV. Aniya, suportado ng Philippine National AIDS Council (PNAC) ang kanilang programa.

"After ng Philippine National AIDS Council (PNAC) seminar, may mga nakilala kami inside PNAC and may mga nagme-message na rin sa amin through Instagram and Twitter na taga-The Red Whistle and Love Yourself HIV. I get to mingle with them and marami akong natutunan sa kanila and nag-shoot na rin ako ng ibang mga ads nila like advocacies. May mga write ups din silang ginawa, and I'm really happy that all-out support sila sa adbokaserye na gagawin ng GMA and we're very excited."

Unang pagkakataon daw na gagawin ang "adbokaserye" sa telebisyon.

"Kasi kinuwento ko 'yung mga scenes namin and all. First time siyang gagawin sa Philippine television 'yung mga ganu'ng eksena na hindi ginagawa before kaya excited na ako," ayon pa sa aktres.

Ayon naman kay Mike, hindi tila isang "documentary" ang gagawin nila kung saan magpapaliwanag sila ng mga "scientific terms," pero gagamit din sila ng mga ito kung kinakailangan sa serye.

"Our goal is educate the people, hindi para mapatunganga sila kung ano 'yung sinasabi namin. Pero I think magsasabi pa rin kami ng scientific term from time to time para din na-e-explain sa mga tao. Ipapaliwanag namin," ayon kay Mike. —NB, GMA News