ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabby Concepcion, emosyonal sa pagtatapos ng 'Ika-6 Na utos'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkahalong pasasalamat at lungkot ang nararamdaman ni "Ika-6 Na utos" leading man Gabby Concepcion sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang highest-rating daytime serye.

Sa GMA News “Unang Balita” nitong Huwebes, sinabing totodo pa ang mga aksyon at drama ng series, na talagang kapana-panabik.

"Kung papaano maghihiwa-hiwalay 'yung tatlong character ni Emma, Georgia at ni Rome. Whether ikaw ay team Georgia o team Emma, maraming istoryang pwedeng ilagay,” ayon kay Gabby.

Hindi naman mailarawan ng cast sa mga salita ang kanilang nag-uumapaw na pasasalamat sa lahat ng naging televiewers ng show.

Aminado si Gabby na nararamdaman niya rin ang lungkot dahil tiyak na mami-miss niya ang buong cast and crew ng serye.

"Nakasanayan mo na na magkikita-kita uli kayo ng Mondays, Wednesdays, and Fridays so ngayon matatapos na 'yun. Hindi na kayo magkikita, malungkot, pero marami naman tayong pwedeng abangan na susunod na mga shows."

Sumabak naman si Gabby sa “Photobuking,”  kung saan nagkuwento siya ng iba't-ibang trivia tungkol sa ilan niyang larawan para mas makilala pa ng fans.

Unang ipinakita ang larawan niya sa Seoul International Drama Awards.

"This is my first international award. 2017 'yung Seoul International Drama Awards. Never in my wildest dreams na inisip ko na makakakuha pa ako ng kahit anong award,” saad ng aktor.

Ipinakita naman sa second photo ang pangingisda ni Gabby.

"'Yan ang aking pastime kapag nasa beach ako, kaya gustong gusto ko na nasa beach. Hindi lang ako madalas sa ilalim. Noong araw nag-ii-scuba dive kami, pero ngayon gusto ko na fishing, gusto ko na nasa ibabaw ako."

Sa third photo naman, may kasamang kalabaw si Gabby.

"'Yan malapit lang, sa Sta. Elena, sa probinsiya. Merong isang part doon na puwede kang sumakay ng kalabaw kung gusto niyong sumabay. Kasama ko 'yung pamilya ko diyan, mga anak ko at asawa ko."

At ang huling photo kung saan may abs siya.

"Ah ano lang 'yan, 2 months ago," pabiro niyng sabi. "Hindi, matagal na 'yan. Nasa beach din 'yan." — Jamil Santos/LA, GMA News