Alamin kung saan nagbakasyon ang mga Kapuso stars ngayong Holy Week
Matapos ang mga nakakapagod na taping, hostings at iba pang projects, sinamantala ng mga Kapuso stars ang Holy Week para makakuha ng break at mag-energize sa kani-kanilang mga bakasyon.
Nasa Cebu ngayon ang pamilya Sotto, kung saan unang sabak ni Baby Tali sa pool.
Nagpasalamat naman si Pauleen na muli niyang nakabonding ang pamilya, kasama na rin ang asawa niyang si Bossing Vic Sotto.
Cebu 2018. Always an awesome time with the family. Thank you Lord!
A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on
Biyaheng Europe naman ang pamilya Dantes, na nagala ang France, The Netherlands at Spain.
Kasama naman ni Heart Evangelista ang kaniyang asawang si Senator Chiz Escudero sa Rome, Italy.
In-love din si "The One That Got Away" star Lovi Poe, na kasama ang kaniyang boyfriend na si Chris Johnson.
A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on
May ina-achieve naman si "Pambansang Bae" Alden Richards sa kaniyang fitness goals, na kasalukuyang nasa Dapitan.
Blooming kasama ng mga cherry blossom sina sa Japan sina "Dubsmash Queen" Maine Mendoza at Janine Gutierrez.
Masaya rin ang real-life Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil kasama nila ang isa't-isa sa Coron, Palawan, at may oras sila ngayong makapag-bond.
Ginunita ni Paolo Ballesteros ang Holy Saturday kasama ang kaniyang pamilya sa bagong bahay sa Antipolo.
Tila naging kaibigan ni Bea ang dagat sa kaniyang bakasyon sa Taiwan.
Sinubok ni Derrick Monasterio ang adventure.
Going up for 3 hours was worth it! Finally!!!
A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on
A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on
Nasa Sydney, Australia si Julie Anne San Jose, na malayo sa kaniyang sweetheart na si Benjamin Alves.
Intense workout ngayon ang inaatupag ngayon ni Benjamin.
Ginunita ni baeby Baste ang Holy Week kasama ang mga bata sa isang orphanage.
Enjoy naman si Rocco Nacino sa kaniyang Romblon vacation.
Touchdown! Enjoying Romblon’s beauty with @benchtm . #BenchEveryday #LoveLocal
A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on
— Jamil Santos/MDM, GMA News