Alden, masaya na napatahimik ng 'Victor Magtanggol' ang mga bashers
Natutuwa si Alden Richards na tila natahimik na ang mga basher ng "Victor Magtanggol," na patunay umano na hindi muna dapat hinusgahan ang programa nang hindi pa napapanood.
"Nakakatuwa po kasi na na-appreciate ng mga namba-bash before 'yung Victor Magtanggol. That's a real test na dapat binibigyan natin ng chance before we judge," saad ni Alden sa press conference ng kaniyang Adrenaline Rush concert nitong Huwebes sa Quezon City.
Alden happy to know that people eventually appreciate "Victor Magtanggol." @gmanews pic.twitter.com/INKLeU1sbL
— Beverly Gil (@bevgil92) August 30, 2018
Sa halip na pansinin ang mga negatibo, sa mga positibong komento na lang nagfo-focus si Alden.
"'Yun po 'yung nangyari sa Victor Magtanggol na pinanood nila. Kasi below na po agad 'yung comments eh, that's what happened po. But later on, bigla pong gumanda 'yung feedback and that's what really matters to us," aniya.
Dati na ring nagkomento si Alden sa Victor Magtanggol na hindi ito katulad kay "Thor" ng Marvel.
Dream come true aniya kay Alden ang pagganap bilang isang superhero. May say siya sa halos lahat ng aspeto ng produksiyon ng Victor Magtanggol. —JST, GMA News