Urassaya Sperbund, sinubukan ang Philippine tricycle, pag-abaniko
Ini-enjoy ni "The Crown Princess" star Urassaya Sperbund ang kaniyang pananatili sa Pilipinas at isa sa mga kulturang Pinoy na kaniyang sinubukan, ang pagsakay sa tricycle.
Hindi lang ito, dahil sinubukan din ng Thai-Norwegian actress ang pag-aabaniko.
Sooo excited to meet everyone! Maraming salamat for all the love na kaaa ♥?
A post shared by Urassaya Sperbund (@urassayas) on
Isa naman sa mga Pinoy food na sinubukan ni Urassaya ay ang halo-halo na ipinost (post) pa niya sa Instagram stories, ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.
Dumalo si Yaya ng gala night kung saan itinanghal siya bilang bagong mukha ng Tourism Authority of Thailand (TAT).
Bumisita si yaya para i-promote ang kultura at turismo ng Thailand, pati na rin para makasalamuha ang kaniyang Pinoy fans. — Jamil Santos/DVM, GMA News