ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin del Rosario, 'di natatakot ma-stereotype na bading dahil sa pagganap ng gay roles


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi aniya natatakot si Martin del Rosario na ma-stereotype bilang isang bading lalo't gaganap ulit siya bilang isang transgender woman sa "Panti Sisters."

Sa ulat ng Balitanghali Weekend ng GMA News TV nitong Sabado, sinabing makakasama ni Martin sina Paolo Ballesteros at Christian Bables sa naturang pelikula.

Nakatutuwa ang kuwento ng Panti Sisters dahil tatlo silang magkakapatid na miyembro ng LGBTQIA+ community, ayon pa kay Martin.

Parehong gumanap na sidekick ng karakter ni Paolo sina Martin at Christian sa award-winning indie film na "Die Beautiful."

Gumanap naman si Martin bilang si Barbs sa sequel ng Die Beautiful na "Born Beautiful," ang best friend at funeral makeup artist ni Trisha (Paolo).

Kasama din si Martin sa isang bagong Kapuso TV series na gaganap naman ngayon na kontrabida. —Jamil Santos/KG, GMA News