Filtered By: Showbiz
Showbiz

Padede mom Marian Rivera, todo-suporta sa breastfeeding advocacy


Wala raw balak si Primetime Queen Marian Rivera na itigil anytime soon ang pagbe-breastfeed sa kanyang four-month old baby na si Ziggy.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ng proud "padede mom" ang kanyang pagsuporta sa eksklusibong pag-breastfeed sa isang sanggol mula sa pagsilang hanggang mag-anim na buwan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months. Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

"Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months."

Wala raw katumbas ang sustansiya ng gatas ng ina. —JST, GMA News