Super Tekla, hiling na mabasbasan ni Kuya Will ang pelikula niyang ‘Kiko En Lala’
Para kay Super Tekla, dream come true na mabasbasan o ma-promote ni Kuya Willie Revillame sa Wowowin ang pelikula niyang "Kiko En Lala."
"Yes, dream come true po 'yun," saad ni Super Tekla sa showbiz press sa media conference ng Kiko En Lala nitong Martes sa GMA Network.
Presenting the cast of “Kiko En Lala”: Super Tekla as Kiko and Lala @gmanews pic.twitter.com/xSDUjRvPca
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) September 17, 2019
“Kumbaga, isang malaking factor si Kuya Wil [kung] babasbasan niya itong movie ko. Wala na siguro akong ano, parang, half of my kaba mawawala," dagdag pa niya.
Humahanap nga lang ng timing ang Kapuso comedian para kausapin si Kuya Will.
"Pinapaabot ko, nagpaparamdam ako, humahanap lang ako ng tiyempo kasi 'pag once maka-tiyempo ako, hindi ako magdadalawang-isip. Kumbaga, kung call time, talagang aagahan ko, kahit du'n ako matulog," biro ni Tekla.
Muling inihayag ni Tekla na malaki ang pasasalamat niya kay Kuya Will at sa Wowowin dahil doon siya nakilala.
"Oo. Siyempre, alam mo, alam naman nating lahat na malaking bahagi ng aking karera eh sa Wowowin. Kung ano man ang nararating ko ngayon, kung walang kuya Will na nagpokpok sa akin para maging Tekla, wala ako ngayon."
"Kumbaga, hindi ako pagkakatiwalaan. Pero sobrang I'm looking forward talaga and I pray to God na please, sana ma-touch si kuya na, gusto kong [magpa-promote]," saad pa ni Tekla.
"'Yung totoo, alam niyo, 'yun 'yung [wish] ko. Ma-ano lang ni kuya na mabasbasan niya lang 'yun na, kahit hindi man lang ganu'n ka-bongga, basta ma-[endorse] lang... 'O good luck!''
Matatandaan na nagsimula si Tekla bilang contestant sa isang segment ng "Wowowin", hanggang sa kunin na ni Kuya Wil bilang co-host.
Ngunit noong 2017, hindi na siya napanood sa naturang variety game show. —LDF, GMA News