Ang Maynila ang isa sa mga lugar sa matinding napuruhan noong World War II. At sa dungeon ng Fort Santiago sa Intramuros, maraming bangkay umano ang nakita matapos ang digmaan.

Bilang bahagi ng kampanya ni Mayor Isko Moreno na palakasin pa ang turismo ng Maynila, inayos ang ilang makasaysayang lugar sa lungsod tulad ng City Hall, Jones Bridge at ang dungeon ng Fort Santiago.

Kamakailan lang ay binuksan na rin sa publiko ang dungeon at ilan sa mga nakapunta rito ay nagkaroon umano ng nakakikilabot na karanasan.

Kasama sa paranormal investigator na si Ed Caluag, pinasok nina Mayor Isko at Jessica Soho ang dungeon upang alamin kung sino ang mga posibleng nagpaparamdam sa lugar. Panoorin kung ano ang kanilang matutuklasan.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News