Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA freelance director of photography dies of COVID-19


Director of photography Joseph de los Reyes has died after battling coronavirus disease 2019 (COVID-19). He was 32.

He was the freelance production talent previously announced by GMA Network to have tested positive for the ailment last month.

He worked as DOP of various shows such as Wagas, Karelasyon, Dangwa, Tadhana, Sirkus, Sahaya, One Hugot Away and Magpakailanman.

Filmmaker Zig Dulay wrote a farewell message to de los Reyes.

"'Yung huling usap namin bago siya maospital, humingi siya ng pasensya kasi nga hindi niya natapos ang shoot, kinagabihan kasi ng mismong shoot namin, masama na pakiramdam niya. Sabi ko sa kaniya, okay lang. Magpahinga siya at magpagaling," Dulay said

"Nakasanayan na namin ang isa't isa sa trabaho. Gamay na namin ang isa't isa. Sa kaniya lang ako nagtitiwala, na alam kong aalagaan niya 'yung project namin.

"Para ko nang kapatid 'yan, lagi ko siyang pinagsasabihan na bantayan niya ang kalusugan niya, lalo na't may pamilya na siya."

GMA Public Affairs Senior Program Manager Joni Mosatalla regrets not having been able to say farewell in person.

"Ang sakit isipin na dahil sa Covid, hindi man lang namin nayakap si Joseph. Hindi man lang kami nakapagpaalam at nakapagpasalamat. Dati statistics lang tuwing naririnig ko ang bilang ng mga namatay dahil sa virus na ito pero ngayong isa sa pinakamalapit sa puso ko ang naging biktima--isang taong itinuring kong anak-anakan at bahagi ng aking pamilya, lalong umiigting ang takot at pangamba. Sana makahanap na ng lunas. Sana humupa na ang lahat," she said.

"Bilang isa sa mga DOP ng ilang program namin sa Public Affairs tulad ng Wagas, Tadhana at Inday Will Always Love You- isa sa pinakamasipag at pinakamabait na katrabaho si Joseph. Napakahusay ng mata niya at napakapasensyoso. Walang reklamo sa mahabang shooting, nagtatrabaho sa gitna ng arawan o nababasa ng ulan. Gigising ng maaga sa madaling araw na pull-out at uuwi ng madaling araw na rin. Pero kahit pagod na pagod, laging nakangiti at palabiro. Kaibigan niya ang lahat ng tao sa set." --JST, GMA News

LOADING CONTENT