ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Flex,' ang bagong Kapuso youth-oriented show na mapapanood sa GTV


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mapapanood na ang pinakabagong Kapuso youth-oriented variety show na "Flex" tuwing Linggo sa GTV.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, ipinakilala ang mga magiging host ng "Flex" sina Mavy Legaspi, Althea Ablan, Joaquin Domagoso at Lexi Gonzales.

Iba't ibang millennial celebrity at "flexers" ang magiging guest kada linggo.

Aminado naman ang apat na challenge sa kanila ang bagong project at dapat ay magawa rin nilang maka-relate ang lahat at hindi lang ang mga kabataan ngayon.

Si Althea, sinabing nanibago siya sa acting sa stage kumpara sa nakasanayang niyang acting sa camera o sa set.

May pagkakataon din na makipag-interact ang fans sa kanilang idol via interactive segment ng programa.

Mapapanood ang Flex sa GTV tuwing Linggo sa ganap na 8:20 p.m.--Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: TB, Flex