ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lorna, sons Ralph and Renz remember Daboy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa ikalawang araw ng wake ni Rudy Fernandez sa Heritage Park, Taguig City, kumpara noong unang araw, nagawa na ngang magpa-interview ng asawa't dalawang anak na naiwan ni Daboy na sina Lorna Tolentino at sina Raphael at Renz sa Showbiz Central host na si Pia Guanio. Sa pagkakataong ito, kasama na ni Pia ang manager nina Lorna at ng namayapang si Daboy na si Lolit Solis sa pag-i-interview sa mag-iina. Habang si Lolit sa pagitan ng interview ay nagbibigay ng ilang information about Daboy at sa mag-iina. "Ang aking tatlong anak," ang naging pagpapakilala ni Lolit kina Lorna, Ralph, at Renz na natatawang ikinorek ni LT sa pagsasabing, "Apo mo na sila, ‘Nay," patungkol sa dalawang anak. "Lorna, how are you doing right now?" ang pambungad na tanong ni Pia sa biyuda ni Daboy na this time, halatang mas okey na. Sey nga ni Lorna, "We're all trying our best to be strong. Siyempre sa araw-araw, lalo sigurong sumasaya ‘yung puso namin kapag nakikita namin ang lahat ng mga taong gustong makita si Rudy. "Lahat ng mga taong nakikiramay. Lahat ng mga tumutulong sa amin. Lahat ng nagmamahal sa kanya, lalo na." DABOY AS A HUSBAND. Ayon kay Pia, nakita ng publiko kung gaano kagaling na artista si Daboy noong nabubuhay. Kung gaano rin ito kabait na kaibigan. Tanong naman niya kay Lorna, how was Rudy naman daw as a husband to Lorna? "Wala naman...kahit naman sino, wala namang perpekto. Pero siguro, para sa akin, talagang kami ay para sa isa't isa. Mas marami kaming pinagdaanan na siguro...trials sa aming pagsasama. Pero palagi naming sinasabi na we we we're meant to be together and we are made for each other." Marami rin daw little things that Lorna can consider that made her feel really special for her husband. Aniya, "Napakarami...kasi, si Rudy naman, kapag may mga time na alam mo na mababa ang loob mo, malungkot ka or medyo meron kang pinagdadaanan, palagi siyang nandiyan. "Siguro, kaya maraming nagmamahal sa kanya dahil palagi siyang nandiyan to lift you up. His sense of humor, napakaganda. Yung pagbibiro niya. Yung laughter niya, siguro yun ang hindi namin malilimutan dahil yung tawa niya, mahahawa ka, e." A LONELY HOME. Ang sinunod ni Pia na kinumusta ay ang panganay na anak ni Daboy at LT na si Raphael. "Natutuwa ako na marami ang nagpupunta rito," tugon nga ni Ralph. "Kasama ka na ro'n [Pia]. Masaya... masaya ang daming sumusuporta. Ang daming nagmamahal sa kanya. ‘Tapos, nararamdaman ng pamilya yung pagmamahal ng ibang taong nakikiramay." Since Pia herself is very close din daw sa kanyang sariling ama, she cannot begin to imagine how it is nga raw to lose a loved one. So, she asked Ralph how was it like for him during the first day? Ralph said, "Mabigat siya. Usually may shock, e. May numbness. Feeling ko, papalo yung pain later on, pag-uwi. Nag-try akong umuwi, e...medyo malungkot sa bahay. So, nag-stay kami ritong lahat sa Heritage Park. Sa puntong ito, nagsalita nga ang nanay-nanayan ng tatlo na si Lolit at gusto raw niyang i-share sa lahat na si Ralph, kinunan talaga ang papa niya ng video since Raphael finished a filmmaking course at Ateneo de Manila University. MISSING DAD. Para sa bunso na si Renz, napakarami naman daw nilang ginagawa ng papa niya na espesyal at hindi niya malilimutan. "Marami, e. Almost lahat every time na kasama ko siya. Siguro ‘yung pinaka-favorite ko, kapag kasama ko siyang nag-e-exercise. Nagbo-boxing kami ng sabay. Almost lahat, e. Hindi ko masasabing lahat. Siguro buong araw tayong magkukuwentuhan." Na nakangiting tila tinanggap naman ni Pia ang parang hamon ni Renz na, "Gawin natin ‘yan ha," patungkol sa 24 hours na kuwentuhan about his bonding with his dad. Tinanong din ni Pia sina Ralph at Renz kung anong klaseng suporta naman ang ibinibigay nila sa kanilang ina na si Lorna who stood and took care of their dad 24/7 during those trying times... Ayon kay Ralph, "Nagdadala ‘ko ng pagkain sa kanya galing dun sa tapat ng Ateneo. Favorite niya, yun, e. So, foods lang...ganoon. And I tried to be there." SUPPORTING MOM. Sa unang araw, when Lorna was not yet ready to face the people after Daboy died, tinanong ni Pia si Lorna if it's really true that it was her two son, who took care of everything? Pero sey ni Lorna, may bilin daw si Daboy na alam ng dalawang anak niya. "Actually...kasi, alam nila na nagbilin sa akin si Rudy na ang gusto niya, hanggang sa huli, nandoon ako. So, siguro nakita nila na baka hindi ko makayanan, sumama sila sa akin doon sa embalming. "They we're there and Ralph took video of his dad. Si Renz naman, kasama ko rin doon habang pinapanood kung ano ang ginagawa sa papa niya." Ayon naman kay Lolit, during the last days na alam na raw ni Rudy na maysakit na ito, he made sure na lahat daw sila, nagba-bonding. Posible raw na kaya na-miss ni Rudy ang bahay kung kaya't nagpalabas talaga ito sa Cardinal Santos Hospital. NOT HARD TO SAY I LOVE YOU. Sinabi rin ni Lolit na very expressive daw ang dalawang anak nina Daboy at LT sa kanilang love sa kanilang mga magulang kahit mga lalaki pa ito. Na ayon nga kay Renz when Pia asked kung naipakita ba niya ang pagmamahal sa ama when Rudy was still alive, "Since I was born, siguro ipinapakita na niya kung gaano niya ‘ko kamahal. ‘Tapos, ako rin, ipinapakita ko rin sa kanya by trying to be the best for him." Sinegundahan naman ni Lorna ang naging pahayag ni Lolit. Aniya, "Sa amin, hindi puwede. Sila—mula nang bata, kumbaga—yung yakap at halik sa amin, kumbaga, ano yun, madali. Pati yung pagsasabi ng I love you, madali." Being the eldest, Pia asked Raphael kung meron kayang ibinilin ang kanyang daddy rito, since, panganay nga at tatayo na ngayong "man of the house" now. "Noong nasa hospital pa lang, meron siyang mga sinabi...parang warnings, ganoon...maging responsible. Ever since naman, nag-aalagaan na kami sa family. I hope, that doesn't change na ngayong wala na si Papa." LORNA WISHED SHE WAS FIRST TO GO. Hiningan din ni Pia si Lorna ng prayers niya for Rudy at kung anumang mensahe ito na gustong sabihin kay Daboy ngayon. Sa puntong ito, medyo nangiti si Lorna nang sabihing, "Actually, pinag-usapan din nga namin ‘yan. Minsan nga, mahirap, pero talagang dumadaan kapag may nagkakasakit sa pamilya, hindi mo maiiwasan. "Minsan, kahit hindi pa nagkakasakit, napag-uusapan n'yo na, paano..." Ayon kay Lorna, may usapan pa raw sila noon ni Rudy na mas gusto niyang siya ang maunang mawala. Hindi raw kasi niya alam kung paano ang gagawin kapag wala na si Rudy at siya ang naiwan. "Sabi ko nga, kapag nawala siya, mas mahihirapan ako. Si Rudy, napaka-organized niya. Mas detalyado siya sa mga detalyeng dapat niyang alagaan. Pati mga papers niya...Pero sinasabi niya, matutuhan mo rin ‘yan. At kung sakali man na mawala ako, iga-guide kita." Dugtong pa ni Lorna, "I know in my heart, nandiyan siya, meron na akong anghel sa tabi ko." Sinegundahan ni Lolit ang pahayag ni Lorna by saying, "pati papeles, he's very organized. Actually, para siyang librarian." Sa huli, pinasalamatan ni Lorna ang mga taong walang-humpay ang pagdagsa sa Heritage Park para magbigay ng kanilang last respect kay Rudy. Hindi nito itinangging at first, nandoon ang pangamba na baka wala raw masyadong magpunta dahil sa kalayuan ng Taguig. Pero nagugulat nga raw sila at masaya dahil alam nilang maging si Rudy ay masaya na natupad ang kahilingan nitong maging bukas sa lahat ang kanyang wake. Iba't ibang lugar ang pinanggagalingan ng mga taong dumarating na ang karamihan ay sa iba't ibang probinsiya pa. Sinabi rin ni Lorna na mas madaling daan patungong Heritage Park ang C5 Road at may nakalaan din na shuttle para sa maghahatid sa mga tao palabas. - Philippine Entertainment Portal