Cristine Reyes: I'm still dating Dennis Trillo
Hindi itinanggi ni Cristine Reyes na nagkikita at nagde-date pa rin sila ni Dennis Trillo. Patunay lang ito na patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa, kahit marami ang tumutol dito. Isa raw ito sa sinasabing pinag-awayan nila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine, sinabi niyang hindi naman sila parating lumalabas ni Dennis dahil kapwa sila busy ngayon. Si Cristine pa nga ang nagbalita sa amin na puspusan ang training ngayon ni Dennis para sa bagong pagbibidahan nito na Gagambino sa GMA-7 naman. "Lalabas lang naman kami kapag may time talaga," sabi ni Cristine. "Minsan nga, twice a month lang kami nakakalabas. Minsan manonood lang ng sine at magdi-dinner sa labas. Gano'n lang kami. Pareho kasi kaming pagod, lalo na si Dennis na tatlo ang shows sa GMA-7. "Ako naman, nag-a-adjust na rin. Sunud-sunod kasi ang tapings ko kaya wala na rin akong time para magpahinga nang husto. Kapag magkasama kami ni Dennis, doon lang kami talaga nare-relax." For details, click this link Philippine Entertainment Portal.