Breakup of Pauleen, BF 'shocks' Marvin Agustin
Ibinabalik ng GMA-7 ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa mala-Lovingly Yours at Magpakailanman format na drama anthology titled Dear Friend. Silang dalawa ang hosts ng naturang show na maghahatid ng mga personal at tunay na buhay na kuwento mula sa letter senders. Sa presscon ng Dear Friend kagabi, July 14, sa Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall, Quezon City, inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang feeling ng actor-restaurateur na si Marvin sa muli nilang pagsasama sa trabaho ni Jolina. "Masarap!" bulalas niya. "The chemistry is still there at nandun pa rin ang bubbly Jolina na nakilala ko ever since. Kung wala kaming chemistry, hindi na ninyo kami mapapanood on TV. "Ang maganda sa show na ito, magko-contradict ang views namin at hindi scripted ang maririnig ninyong ia-advice namin sa letter senders. Masarap pa namang kausap at kabatuhan si Jolens." Idinagdag ni Marvin na malaking tulong na magkaibigan sila ni Jolina. Magkaiba man ang kanilang mga opinyon, hindi yun magiging dahilan ng kanilang away. "Besides, we're both mature enough and it's just a show." Bukod sa hatak sa viewers ng tandem nila ni Jolina, ano pa ang ibang rason kung bakit sila ang napiling mag-host ng Dear Friend, na magsisimula na sa July 20? "Because we could do an episode without script at mahirap gawin yun," sagot ni Marvin. "Spontaneous ang sasabihin namin at based sa experience namin at experiences ng mga kaibigan at kakilala namin. Ang suggestion ko nga sa staff, painumin kami ng wine habang nagte-taping para mas free flowing ang advices na lalabas sa amin! Maganda yun!" Bukod sa Dear Friend ay napapanood din ngayon si Marvin sa afternoon soap na Gaano Kadalas ang Minsan. Dahil tuwing Linggo ng hapon ang timeslot ng Dear Friend at weekdays naman ang Gaano Kadalas ang Minsan, tuwing Sabado lang siya hindi mapapanood sa TV, kaya nagbiro si Marvin, puwede rin siya sa Startalk. PAULEEN-SHERWIN BREAKUP. Nabalita ang breakup ng ex-girlfriend niyang si Pauleen Luna at ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian, kaya hiningi ng PEP ang reaction ni Marvin. "Nagulat ako! Kababalik ko lang from New York at yun ang balitang sumalubong sa akin. Shocking revelation at nalungkot ako. Kaibigan ko si Pauleen at talagang malungkot when two people who are in loveâ" naputol niyang sabi. "I haven't spoken to Pauleen and I don't know the reason of their breakup. We don't talk naman about each other's relationship. But I feel she was sad when we were sending messages, pero hindi ako nagtanong. I just felt she was little bit depressed. Nalaman ko ang breakup nila sa Internet...sa PEP. May nag-pop up and one of the items ay yung breakup nila kaya naging interested na ako," lahad ni Marvin. Wala bang balikang mangyayari between him and Pauleen ngayong free na ulit ang dalaga samantalang si Marvin ay loveless pa rin? "Mahirap sabihin," sagot ng binatang ama. "You never think about it. Kung kayo, kayo talaga ang mag-i-end. Hindi puwedeng pasok ka agad." THE RESTAURATEUR. Sabi ni Marvin, wala siyang love life ngayon dahil sa career niya, sa kanyang twins na sina Sebastian at Santiago, at sa negosyo niya. Heto nga't pinaghahandaan na naman nito at mga kasosyo ang opening ng Marciano's, ang Italian-American restaurant sa Greenbelt 3 na magiging operational starting August 8. Sa bilang ng aktor, pampitong restaurant na niya ito at hindi pa kasama rito ang bubuksang Japanese resto (Sumo Sam) sa Eastwood City sometime in November. Two restos in a year ang binubuksan nila. But this year, makaka-tatlo sila âpag nagbukas na ang Japanese resto sa Eastwood City. Madadagdagan pa ang restaurant ni Marvin âpag tinotoo ang sinabing gusto niyang mag-open ng resto na venue for presscon lang. Nagustuhan kasi niya ang Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall, kung saan ginawa ang presscon ng Dear Friend. Nag-suggest ang PEP na magbukas si Marvin ng restaurant under his name. Tinanong din namin siya bakit hindi siya nagbubukas ng bar. "Ayoko ng restaurant na sunod sa name ko, nahihiya ako. Ayoko rin ng bar, nakakapagod. Late na ang bukas ng bar at late din nagsasara at kailangang puntahan mo, mapupuyat ako. Sa restaurant, hindi ako puyat dahil may specific time ng pagsasara," paliwanag ni Marvin. Ano ang masasabi niya sa ibang artista na pumapasok sa restaurant business, pero hindi sinusuwerteng gaya niya? "You really have to man the business. Ako, I still visit the restos once in a while at nagluluto ako. Kasama rin ako sa development ng menu, tagatikim ng food, I check the food presentation, and we travel to check restos, and attend conventions. Non-stop learning ito para malaman kung ano ang bagong service at marriage of cuisine. âPag Asian countries, twice ang travel namin at thrice naman sa States. Sa States, service ang important, especially if it's fine dining," pagtatapos ni Marvin. - Philippine Entertainment Portal